Pagpataw ng GCash ng singil sa bank transfer inalmahan

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2020 08:41 PM

Umalma ang grupong Laban Konsyumer sa anunsiyong maniningil ang GCash sa transaksiyon sa ilang bangko simula Oktubre 1.

Ayon sa grupo, maraming Pilipino pa ang walang trabaho dahil sa pandemya kaya dagdag-pahirap ang dagdag-bayarin na sisingilin ng GCash.

Bukod sa GCash, nag-anunsiyo na rin ang digital financial service firm na PayMaya na maniningil na rin sila ng P10 para sa bank transfer gamit ang kanilang app simula Oktubre 1.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.