Petrolyo may taas-presyo simula Setyembre 22

ABS-CBN News

Posted at Sep 21 2020 11:12 AM | Updated as of Sep 21 2020 03:37 PM

MANILA (UPDATE) - Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na magpapatupad ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo simula Martes, Setyembre 22.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Seaoil, Cleanfuel, Total, at PTT Philippines, P0.60 ang pagtaas sa presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.20 naman sa kada litro ng diesel.

Magpapatupad din ang Shell at Seaoil ng P0.55 taas-presyo sa kada litro ng kerosene.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na maga-adjust ng presyo alas-4:01 ng hapon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.