Recession: Ekonomiya ng Pilipinas sumadsad kasabay ng pandemic lockdown

ABS-CBN News

Posted at Aug 06 2020 03:08 PM | Updated as of Aug 06 2020 10:27 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Sumadsad nang 16.5 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas sa second quarter ng taon o mula Abril hanggang Hulyo, kasabay ng lockdown dahil sa pandemya.

Dahil dito, opisyal nang nasa recession ang bansa, na huling nangyari 30 taon na ang nakalilipas. 

Nangyayari ang recession kapag parehong negatibo ang growth ng isang ekonomiya sa magkasunod na quarter. 

Noong first quarter ay nagkaroon din ng 0.7 percent contraction ang ekonomiya. 

Sabi nitong Huwebes ni National Statistician Claire Dennis Mapa, -16.5 porsiyento ang "growth" ng gross domestic product (GDP) nitong second quarter.

"Gross domestic product declined by 16.5 percent in the second quarter of 2020. This is the lowest reported quarterly growth starting in the 1981 series," ani Mapa. 

"The decline was partly because of the lockdown. You're seeing drop in the sectors. We’re seeing that because of the April, May lockdown. That’s the data we’re receiving," dagdag niya. 

Maaalalang noong Marso ay nagpatupad ng lockdown sa Metro Manila at maraming parte ng Pilipinas dahil sa kasagsagan ng COVID-19 outbreak.

Kalaunan ay nagluwag na ang pamahalaan para umano masagip ang naghihingalong ekonomiya. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.