#WalangTubig: Higit 42,000 kabahayan sa Rizal, Hulyo 15-16

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 04:24 PM

MAYNILA — Higit 42,000 kabahayan at mga establisimyento ang inaasahang maaapektuhan ng water interruption sa ilang lugar sa Rizal sa Miyerkoles hanggang Huwebes, ayon sa Manila Water.

Ayon sa Manila Water, ang water interruption ay bunsod ng maintenance activities o pagkukumpuni sa pumping station sa Barangay Mambugan, Antipolo City.

Magsisimula ang interruption alas-9 ng gabi ng Miyerkoles at tatagal hanggang alas-5 ng madaling araw ng Huwebes.

Kabilang sa apektadong barangay ang mga sumusunod:

ANTIPOLO CITY

  • Bagong Nayon
  • Mambugan
  • Mayamot (Pagrai área only)
  • Cupang (Pagrai área only)
  • Dalig (except along Road to Teresa, Tapales, Gamboa)
  • Dela Paz
  • Sta. Cruz
  • San Isidro (except Bermuda Heights, Buliran Road, along Circumferential Road)
  • San Roque
  • San Luis (except Corville, Biong, Primavera)
  • San Jose (except Marcos Highway)    

TERESA

  • Poblacion
  • San Gabriel
  • May-Iba
  • Dulumbayan
  • Calumpang
  • Sto. Cristo
  • Prinza
  • Bagumbayan
  • Dalig
  • San Roque    

MORONG
San Guillermo

BINANGONAN
Palangoy

ANGONO
Mahabang Parang

TAYTAY
Dolores

Inabisuhan ng Manila Water ang mga residente sa mga apektadong lugar na mag-ipon ng tubig na sapat para sa interruption period.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.