Pautang alok sa maliliit na negosyong apektado ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Apr 08 2020 05:50 PM | Updated as of Apr 08 2020 09:34 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATE) May pautang ang gobyerno sa maliliit na negosyo na sarado at walang kita ngayong isinailalim sa quarantine ang Luzon at ilan pang bahagi ng bansa bunsod ng coronavirus disease (COVID-19), ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.

Ayon kay Lopez, P5,000 hanggang P200,000 ang pautang sa mga micro businesses at P200,000 hanggang P500,000 naman para sa small businesses.

Nasa 0.5 porsiyento lang ang interes kada buwan o 6 porsiyento kada taon, na puwedeng bayaran sa loob ng 2 hanggang 5 taon, ani Lopez.

Makukuha umano ang pautang pagkatapos ng quarantine period.

May hakbang ding ginagawa ang malalaking mall.

"SM, Ayala, Robinsons... Nagbigay na ng waiver... nilibre talaga 'yong renta for the month," ani Lopez.

Bukod sa mga ibinahagi ni Lopez, inihayag din ni House Speaker Alan Peter Cayetano na may iba pang programang inihahanda ang gobyerno para makatulong sa maliit na negosyante, na aabot sa P35 bilyon.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.