Petrolyo may taas-presyo simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 24 2020 11:51 AM | Updated as of Feb 24 2020 03:30 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Pebrero 25, ayon sa anunsiyo ng ilang oil firm.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, Total, at PTT Philippines, tataasan nila ng P0.20 ang presyo ng kada litro ng diesel at P0.30 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Tataasan din ng Shell ng P0.35 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Sa Miyerkoles, Pebrero 26 naman magpapatupad ang Cleanfuel ng P0.20 taas-presyo sa diesel at P0.30 taas-presyo sa gasolina.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.