Oil price hike ipatutupad sa Pebrero 25, Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2020 04:41 PM

MAYNILA — Matapos ang serye ng rollback simula Enero, isa namang taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang inaasahan sa parating na Martes, Pebrero 25.

Tinatayang oil price hike:

  • Gasolina → P0.30-P0.40/litro
  • Kerosene → P0.30-P0.40/litro
  • Diesel → P0.10-P0.20/litro

Ayon sa mga taga-industriya, unti-unti nang bumabalik sa normal ang sitwasyon sa China kasunod ng pagkalat ng COVID-19.

Sa kabuuan, 6 na linggong sunod-sunod na may rollback.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.