Lambanog na 'nakalason' sa higit 300 sa Laguna, maraming methanol: alkalde

ABS-CBN News

Posted at Dec 23 2019 09:00 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mataas ang methanol content ng lambanog na sinasabing dahilan ng pagkamatay ng 8 katao at pagkakaospital ng 300 iba sa Rizal, Laguna kamakailan, sinabi ng alkalde ng bayan, Lunes. 

Nasa 11 percent ang methanol content na nakita sa mga sinuring sample ng naturang lambanog na ginamit sa magkakaibang party pero galing sa iisang supplier sa katabing bayan ng Candelaria, Quezon, ani Mayor Vener Muñoz. 

Ipinagbabawal sa Pilipinas ang paggamit ng walang lasa at kulay na methanol bilang ginagamit bilang extender ng ethanol o legal alcohol, una nang sinabi ni Food and Drug Administration officer-in-charge Eric Domingo. 

Nananatili sa kritikal na kalagayan ang 8 sa mga biktima ng lambanog at 2 ang nangangailangan ng dialysis, banggit ni Muñoz. 

Ipinasara na ng alkalde ang mga tindahan ng lambanog sa kaniyang bayan. Nagdeklara na rin aniya ang Rizal ng state of emergency para magamit ang mga karagdagang pondo na makakatulong sa mga biktima. 

DZMM, Disyembre 23, 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.