NAIA Expressway 'Christmas lane' bukas na sa mga motorista

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2016 11:27 AM | Updated as of Jun 14 2017 10:25 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Maaari nang makadaan ang mga motorista sa bagong bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Expressway na binuksan Miyerkules para maibsan ang inaasahang holiday rush.

Dakong alas-6 ng umaga binuksan ang bahagi ng NAIA Expressway "Christmas Lane," mula Diosdado Macapagal Boulevard hanggang NAIA-Terminal 3 at Skyway, na magdudugtong sa lahat ng tatlong terminal ng NAIA.

Inaasahang matatapyasan ng Christmas Lane ng 40 porsyento ang oras ng biyahe ng mga babagtas dito, ayon sa Department of Public Works and Highways.

Aabot sa P45 ang toll rate para sa mga class 1 na sasakyan at kotse, P90 para sa mga bus, at P134 para sa mga truck.

Wala munang sisingiling toll hanggang sa susunod na tatlong linggo.
 
Umagang Kay Ganda, 21 Disyembre 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.