1-taong gulang na bata, patay matapos tumilapon sa kuliglig

ABS-CBN News

Posted at Dec 13 2016 11:27 AM | Updated as of Jun 01 2017 03:14 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay ang 1-taong gulang na bata matapos tumilapon mula sa kuliglig na minamaneho ng kanyang ama sa Isabela.

Binabagtas ng kuliglig ang national highway sa Batal, Santiago City sakay ang bata at nanay nito nang makalas ang gulong ng kuliglig.

Nawalan ng kontrol ang ama ng biktima at bumangga ang kuliglig sa isang sasakyan.

Tumilapon naman ang bata at tumama ang ulo sa gulong ng kuliglig.

Posibleng kasuhan ng paglabag sa Land Transportation and Traffic Code ang ama ng biktima dahil ipinagbabawal ang pagdaan ng kuliglig sa national highway, lalo na kung may sakay na menor de edad.