Ilang kongresista, pabor sa 'odd-even' traffic scheme

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 11:23 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ilang kongresista ang pumabor sa "odd-even" scheme sa EDSA para lumuwag ang trapiko sa Kapaskuhan. 

Ipinatawag ng komite sa Kamara ang ilang ahensiya ng gobyerno para alamin kung paano isasaayos ang patuloy na pagbigat ng trapiko sa Kamaynilaan. Inatasan ng komite ang Metropolitan Manila Development Authority at ang Metro Manila Council na magpulong para malaman kung maaari nang ipatupad ang "odd-even" traffic scheme pagsapit ng Disyembre. 

Sa ilalim ng ganitong traffic scheme, dalawang beses sa isang linggo ipagbabawal ang paglabas ng isang sasakyan, depende sa huling numero ng plaka nito.

Nagpa-Patrol, Doris Bigornia. TV Patrol, Lunes, 27 Nobyembre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.