Mahigit 300 kilong 'mishandled' na karne, nasabat sa Divisoria

ABS-CBN News

Posted at Oct 26 2017 02:09 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Daan-daang kilo ng 'mishandled' frozen meat ang kinumpiska ng Manila Veterinary Inspection Board at National Meat Inspection Service sa kanilang pag-iikot sa Divisoria. 'Mishandled meat' ang tawag sa karneng iniwan lang sa labas, sa halip na nasa chiller o freezer. Mas pinaiigting na ng ahensiya ang kanilang kampanya lalo ngayong papalapit ang Pasko at inaasahang marami ang mamimili ng karneng panghanda. Nagpa-Patrol, Ernie Manio. TV Patrol, Miyerkoles, 25 Oktubre 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.