Sasakyan nahulog sa hukay sa NAIA Road

ABS-CBN News

Posted at Oct 22 2018 08:45 AM | Updated as of Nov 05 2019 04:42 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Sumikip ang trapik sa NAIA Road, Pasay makaraang mahulog ang isang sports utility vehicle sa hukay sa gilid ng kalsada, Lunes ng madaling-araw.

Hindi umano napansin ng driver na may hukay sa daan para sa ginagawang drainage at road widening project, ayon sa traffic police.

Kuwento naman ng ilang nakakita, hindi kapansin-pansin ang mga harang sa hukay at wala ring malaking warning sign.

Tila lasing din anila ang driver at amoy alak.

Bahagyang nasira ang harapang bahagi ng SUV. Hindi naman nasugatan ang driver at pasaherong kapwa Chinese.

Agad nahatak ang SUV at dinala sa traffic sector ng NAIA.

ABS-CBN Umagang Kay Ganda, 22 Oktubre 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.