SUV bumangga sa airport taxi; drayber nahulihan ng baril, droga

ABS-CBN News

Posted at Oct 19 2018 08:58 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Arestado ang driver ng isang SUV na bumangga sa airport taxi malapit sa NAIA Terminal 4.

Ayon sa taxi driver na si Joean Basmayor, bumabaybay siya sa domestic road nang salpukin siya ng itim na SUV sa kaliwang bahagi ng sasakyan.

Nang kausapin niya ang nakabanggang driver, hindi umano sila magkaintindihan kaya tumawag na siya ng pulis.

Nagtangka pang tumakas ng SUV kaya nagkahabulan pa hanggang sa salpukin muli nito ang likuran ng taxi.

Nang silipin ng mga pulis ang loob ng sasakyan, nakita ang isang kalibre 38 na baril. Nakuha rin ang mga tableta ng ecstasy at isang pakete ng marijuana na nagkakahalaga lahat ng mahigit P20,000.

Napag-alaman na permanent citizen ng California, USA ang suspek. Nakapangalan naman sa isang basketball player ang SUV na kaibigan umano ng driver. ABS-CBN Umagang Kay Ganda, October 19, 2018.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.