Halos 90 kilo ng shabu nasabat sa Samar

ABS-CBN News

Posted at Oct 18 2019 08:49 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nasabat ang nasa 88 kilo ng hinihinalang shabu sa Gandara, Samar nitong Huwebes ng hapon, ayon sa pulisya.

Nahuli anila sa checkpoint ang 6 na indibidwal na may dala sa droga, kabilang ang isang buntis at isang menor de edad.

Dadalhin sana sa Cebu ang bawal na gamot gamit ang 2 sasakyan, sabi ng isang source.

Dinala na sa crime lab ang droga at nakatakdang magsawa ng press conference ang mga awtoridad ukol dito.

DZMM, Oktubre 18, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.