Maliit na bagay: Guro inalagaan ang anak ng mag-aaral habang nasa pagsusulit

ABS-CBN News

Posted at Oct 15 2019 12:30 PM | Updated as of Oct 15 2019 12:36 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Maliit na bagay lamang para sa isang guro na inalagaan ang anak ng kaniyang estudyanteng Grade 12 habang ito ay kumukuha ng pagsusulit.

"I think it’s the very small things, ang liit ng bagay na ginawa ko. I think may mas more pang ginawa yung other teachers, ako lang yung nakunan ng video," ani Clariz Lasala, guro sa Saint Joseph Institute of Technology.

Hinangaan ng netizens ang pagbabantay ni Lasala sa anak ng kaniyang estudyante. Nakakuha ito ng higit 70,000 likes at 10,000 retweets sa Twitter.

Ayon kay Lasala, isang fresh graduate, pinili niya maging guro upang makatulong sa iba.

"I love my job and of course I want to help, that’s the main goal of being a teacher. Through that help, siguro nagogrow ako as a person. We have to understand others’ tales because we do have different stories din po," aniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.