Nakaambang dagdag-sahod sa Metro Manila 'di bababa sa P20: Bello

ABS-CBN News

Posted at Sep 27 2018 11:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Hindi bababa sa P20 ang umento sa sahod ng minimum wage workers sa Metro Manila na inaasahang iaanunsyo sa susunod na buwan, pagtaya ngayong Huwebes ni Labor Secretary Silvestre Bello. 

"Kung halimbawa totoo yung sinabi ko na maging P20, so magiging P532. Yung kanilang 13th month pay will be based on that," sabi niya," ani Bello sa panayam ng DZMM. 

Maaari aniyang ianunsyo ang eksaktong halaga ng wage hike sa kalagitnaan ng Oktubre. 

"Ang anniversary ng Regional Tripartite Board is October 5, so they will issue a notice of hearing and in 15 days, magkakaroon ng public hearing then yun ang magiging resulta ng wage adjustment na ire-recommend nila," paliwanag ng opisyal. 

Wala pa aniyang napapag-desisyunan hinggil dito dahil kinakailangan pang magkaroon muna ng public hearing ng mga stakeholder. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.