2 weather system magpapaulan sa Luzon, Visayas

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2017 01:31 PM | Updated as of Aug 30 2017 09:05 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Magdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa Martes ang 2 weather system, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Kabilang sa mga ito ang isang low pressure area (LPA) sa silangan ng Tuguegarao gayundin ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) o kaulapan sa Visayas at Katimugang Luzon, sabi ni PAGASA meteorologist Meno Mendoza sa panayam ng DZMM

Makakaranas aniya ng manaka-nakang malakas na pag-ulan ang Cagayan Valley, Mimaropa, Bicol, silangan at kanlurang Visayas at mga probinsya ng Aurora at Quezon.

Iiral naman ang maulap na kalangitang may manaka-nakang mahina hanggang malakas na ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Walang direktang epekto sa bansa ang isang bagyo sa labas ng Philippine area of responsibility, ani Mendoza.

DZMM, 29 Agosto 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.