Tone-toneladang manok, naharang sa CDO

ABS-CBN News

Posted at Aug 17 2017 10:39 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Tone-toneladang manok ang pansamantalang naharang sa pier sa Cagayan de Oro.

Kinumpirma ito ng National Meat Inspection Service Office ng Region 10 at Quarantine Services Section ng Bureau of Animal Industry.

Noong Lunes nakarating sa pantalan ang 21 tonelada ng 'frozen dressed chicken.'

Kumpleto naman daw ang shipping permit at meat inspection certificate nito. Pero ayon sa mga ahensya, kailangan munang inspeksyunan at gumawa ng sampling.

Lumabas namang maayos ang kondisyon ng mga manok sa inspeksyon.

Nagmula pa sa Marilao, Bulacan ang manok. Umagang kay Ganda, 17 August 2017