UP expert: COVID-19 cases posibleng pumalo sa 200K sa katapusan ng Agosto

ABS-CBN News

Posted at Aug 15 2020 05:22 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pababa na umano ang trend ng bagong test result ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sinabi ni Dr. Guido David ng UP Institute of Mathematics, nakatulong ang modified enhanced community quarantine sa Metro Manila sa pagbaba ng positive test results.

Kung palalawigin aniya ang MECQ sa Metro Manila, posibleng ma-flatten ang curve bago matapos ang Agosto.

Pero kung babalik aniya sa GCQ at magkakaroon ng mahigpit na implementasyon sa mga protocol posibleng sa susunod na buwan ay ma-flatten na ang curve sa Metro Manila.

Sa ngayon nasa 1.2 hanggang 1.5 ang average number ng transmission sa Metro Manila. Pero mas mataas aniya ang positivity rate sa NCR na nasa 17 hanggang 18 percent.

Ayon kay David, sa kanilang pagtaya, posibleng umabot sa 200,000 ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Agosto. 

- Headline Pilipinas, 15 August 2020