PANOORIN: Libreng bike repair stations sa QC

ABS-CBN News

Posted at Aug 05 2020 08:09 AM | Updated as of Aug 05 2020 08:58 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA - Naglagay ng libreng bike repair stations and pamahalaang lungsod ng Quezon City sa ilang lugar para sa mga nagbibisikleta ngayong panahon ng pandemya. 

Nakalagay ang bike repair stations sa Commonwealth Avenue, Anonas, Araneta, Katipunan area, Aurora Boulevard, E. Rodriguez at iba pa. 

Malaking tulong para sa ibang mga nagbibiskleta ang pagkakaroon ng mga libreng one-stop bike repair stations para mapanatili nilang maayos ang kondisyon ng kanilang mga bisikleta.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Col. Bong Nebrija, aabot sa mahigit 2,000 bikers ang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.