SUV sumalpok papasok ng BDO branch sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 11:47 AM | Updated as of Aug 02 2019 02:24 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

(2nd UPDATE) Sumalpok papasok ng branch ng BDO ang isang sasakyan sa MacArthur Highway sa Marilao, Bulacan ngayong Biyernes.

Ipaparada sana ng driver na si Epifanio Villamar Guillermo, 83-anyos na dating mayor ng Marilao, ang puting Audi SUV nang bigla itong lumusot sa door ng bangko, ayon sa pulisya.

Huminto na lang ang sasakyan nang bumangga na ito sa mesa ng mga teller, dagdag ng mga nakakita.

Nasugatan ang 2 guwardiya at isang kliyenteng nagwi-withdraw.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang sanhi ng pagbulusok ng kotse sa loob ng bangko.

Ayon sa BDO, tutulungan nito ang mga nasaktan sa insidente.

DZMM, Hulyo 2, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.