Parañaque magtatayo ng palengke para sa illegal vendors

ABS-CBN News

Posted at Aug 02 2019 12:24 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Magtatayo ng palengke ang pamahalaan ng Parañaque upang permanenteng maialis mula sa mga bangketa ang nasa 2,000 illegal vendor, sinabi ni Mayor Edwin Olivarez, Biyernes.

Aprubado na aniya ng Metro Manila Council ang plano para sa "people's market" na itatayo sa "cement slab" na ipapatong sa ibabaw ng kanal na may sukat na 60x300 metro sa Roxas Boulevard.

Maglalagay rin aniya ng loading and unloading zone, overhead pedestrian crossing at parking lot sa palengkeng target matapos ng pamahalaan ngayong taon.
 
Habang wala pa ang proyekto, sinabi ni Olivarez na pinakiusapan na niya ang mga commercial establishment sa kaniyang lungsod na maglaan ng espasyo para sa mga street vendor.

Nakahanap na aniya ng 1,000 puwesto ang pamahalaan at target nilang makumpleto ito ngayong linggo.

Nagbilin na rin aniya siya sa mga opisyal ng barangay na pigilan ang pagbabalik ng illegal vendors sa Baclaran.

DZMM, Hulyo 2, 2019