Mga tagasuporta ng pamilya Parojinog, nag-vigil sa labas ng presinto

ABS-CBN News

Posted at Aug 01 2017 12:21 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagluluksa ang ilang residente at empleyado sa Ozamiz City Hall sa pagkamatay ni mayor Reynaldo 'Aldong' Parojinog nitong Linggo, Hulyo 30. Nag-vigil pa sa labas ng presinto ang ilang tagasuporta ng mga Parojinog para bantayan ang inarestong vice mayor na si Nova Princess Parojinog bago siya ibiniyahe papuntang Camp Crame. Pansamantala namang umupo bilang alkalde ang 2nd councilor ng lungsod. Nagpa-Patrol, Roxanne Arevalo. TV Patrol, Lunes, 31 Hulyo 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.