DILG tutulong sa paglilinis sa Metro Manila

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 08:14 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inatasan ang mga undersecretary at assistant secretary ng interior department na alalayan ang mga mayor ng Metro Manila sa pagtatanggal ng mga illegal vendor at nakahambalang na sasakyan mula sa mga pampublikong kalsada, sinabi ng isang opisyal, Martes.

Inilabas ng Department of the Interior and Local Government nitong Lunes ang memorandum circular para sa 60-araw na paglilinis sa rehiyon.

"Bawat isang undersecretary, assistant secretary ng DILG, may assignment kami na mga lugar para ayudahan namin ang mga mayor," ani Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño.

Unang binalak ng DILG na atasan ang mga alkalde na linisin ang kani-kanilang lugar sa loob ng 45 araw, pero humirit aniya si Quezon City Mayor Joy Belmonte na habaan ang palugit.

"Napakalaki daw po ng Quezon City dahil almost one-fourth ng buong Metro Manila," ani Diño.

Panoorin ang kaniyang buong panayam sa DZMM dito.

DZMM, Hulyo 30, 2019