10-wheeler truck sumabit sa poste sa EDSA-Boni Serrano

ABS-CBN News

Posted at Jul 30 2019 07:51 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isinara ang isang northbound lane sa kanto ng EDSA-Boni Serrano sa Quezon City matapos mabangga ng 10-wheeler truck ang isang poste roon, Martes ng madaling-araw.

Galing ng Katipunan at papunta sana ng San Juan ang trak nang sumabit ito sa kable ng kuryente at telepono, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Natumba rin anila ang poste ng ilaw at nakahambalang pa rin sa gitna ng kalsada, dakong alas-7 ng umaga.

Wala namang nasugatan sa aksidente pero nagpasikip ito ng trapiko sa lugar.

DZMM, Hulyo 30, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.