PNP-HPG inilunsad ang 'May Ticket Ka Na, May Helmet Ka Pa'

ABS-CBN News

Posted at Jul 15 2020 08:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Inilunsad kamakailan ng police Highway Patrol Group ang programa na nagbigay ng helmet sa mga motorcycle rider na mahuhuling walang suot nito.

Umarangkada ang programang 'May Ticket Ka Na, May Helmet Ka Pa' ng pulisya nitong nakaraang linggo sa Bacoor, Cavite at sa Nueva Ecija, ani HPG-Metro Manila chief Col. Wilson Doromal.

"Marami pong walang helmet; na-ticket-an pero binigyan naman po ng helmet," aniya sa panayam ng TeleRadyo.

Pinayagan na kamakailan ng pamahalaan ang pagba-backride sa motorsiklo ng mga mag-asawa at live-in partners.

Kapag kinuwestyon ng mga awtoridad, kailangan nilang magpresenta ng marriage certificate o anumang larawan, video o ID na nagpapatunay na nakatira sila sa iisang tahanan, ani Doromal.

Sakop aniya ng patakaran ang mga same-sex couple.

Hinihintay naman aniya ng HPG ang utos ng isang inter-agency task force para makapagsimulang manghuli ng mgma magka-angkas sa motorsiklo nang walang barrier para pigilin ang pagkalat ng nove coronavirus.

TeleRadyo, Hulyo 15, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.