Plastik bawal na sa 2 paaralan sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 04 2019 12:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

NEGROS OCCIDENTAL—Dalawang paaralan sa Cauayan, Negros Occidental ang nagpapatupad na ng "no plastic policy."

Sa halip na disposable na plastic, mga native na plato, kutsara at mangkok na gawa sa bao at mga baso na gawa sa kawayan ang gamit sa canteen ng Bulata National High School.

Ayon sa pamunuan ng paaralan, sa pamamagitan ng pagbabawal sa plastic, napo-promote pa nila ang paggamit ng indigenous materials sa kanilang estudyante.

Sa Camalanda-an National High School, wala nang basurahan matapos ding ipagbawal ang paggamit ng plastic na ilang taon na nilang ipinatutupad.

Dahil sa kanilang environment-friendly na polisiya, iba't ibang parangal na ang natanggap ng eskuwelahan, at ngayong taon lang, ginawaran sila ng Division Seal of Excellence mula sa Department of Education (DepEd.)—Ulat ni Marty Go, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.