2 sugatan sa pagtaob ng kotse malapit sa Rizal Park

ABS-CBN News

Posted at Jun 17 2019 08:39 AM | Updated as of Jun 17 2019 11:52 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dalawa ang sugatan sa pagtaob ng isang kotse malapit sa Rizal Park, Maynila Lunes. 

Inamin ng driver na nakaidlip siya kaya tumama ang sasakyan sa center island sa kanto ng Maria Orosa at Padre Burgos streets. 

Sa lakas ng pagkakabangga, nasira ang center island at tumaob ang kotse, dahilan para masugatan ang pasahero nito at isang vendor.

Nagbanggaan naman ang 2 pang sasakyan dahil posibleng nakatingin ang mga driver nila sa naunang aksidente. 

DZMM, Hunyo 16, 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.