China minaliit ang pagbangga, pag-iwan ng mga mangingisdang Pinoy

ABS-CBN News

Posted at Jun 14 2019 12:01 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China. Kasunod ito ng paglubog ng bangka ng mga mangingisdang Pinoy sa Recto Bank sa West Philippine Sea na nabangga umano ng isa namang bangka ng Chinese.

Sakaling mapatunayang sinadya ang pagbangga, babala ng Palasyo, posibleng magkalamat ang relasyon ng Pilipinas at China.

Minaliit naman ng China ang insidente at tinawag itong ordinaryong aksidente sa dagat na hindi dapat haluan ng politika. I-Bandila mo, Kevin Manalo. - Bandila, Huwebes, 13 Hunyo, 2019

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.