Halos 300 kilo ng mishandled meat, kinumpiska

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2017 11:30 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Kinumpiska ang halos 300 kilo ng karne dahil umano sa maling paraan ng pagbebenta nito sa Baguio City.

Sinalakay ng National Meat Inspection Services at Public Order and Safety Division ang palengke ng Baguio kung saan inabutan nila ang ilang panindang karne na naka-display lang at di nakalagay sa yelo o freezer.

Umalma man ang mga tindero, wala na silang nagawa nang hakutin ang kanilang mga paninda.

Ayon sa mga otoridad, ginagawa nila ito para siguruhin na rin ang kalusugan ng mga namimili.

Dinala sa Marcos Highway ang mga nakumpiskang karne kung saan ito ibabaon. Umagang kay Ganda, 8 June 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.