Halos 100 balikbayan stranded pa rin sa NAIA, tutulungang makauwi

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 09:59 AM | Updated as of Jun 05 2020 10:16 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Stranded pa rin sa NAIA ang halos 100 overseas Filipino worker na umuwi sa bansa at naabutan ng coronavirus lockdown na nagsuspinde sa mga flight, sinabi ng airport police, Biyernes.

Kabilang sa grupo ang nag-quarantine sa bahay ng kanilang mga kaanak sa Metro Manila bago umuwi sa Visayas o Mindanao, o kaya naman ay hindi natuloy magtrabaho sa ibang bansa, sabi ni Overseas Workers Welfare Administration chief Hans Leo Cacdac.

"Tutulungan po natin sila magkaroon ng flight pauwi," sabi niya sa panayam ng TeleRadyo.

Idadaan din aniya ang grupo sa coronavirus swab test.

Iuulat aniya ng kaniyang ahensya sa labor department ang mga recruitment agency ng mga OFW "para mabigyan ng kaukulang disiplina at aksyon."

"Dapat hindi sila (OFWs) binibitawan ng kanilang recruitment agency at sa halip ay i-arrange ang kanilang flight pabalik," paliwanang niya.