TINGNAN: Pila sa NAIA Terminal 3 sa unang araw ng pagbabalik ng commercial domestic flights

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 08:27 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mahaba ang pila ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ngayong Miyerkoles sa unang araw ng pagbabalik ng commercial domestic flights sa bansa.

Ito ay dahil sa temperature check at pagsisiguro na may valid ticket ang mga pasahero. Tinitiyak din sa check-in area kung may travel pass ang mga pasahero para masigurong pwedeng silang umuwi.

May tatlong destinasyon ngayon ang mga flight katulad na lamang sa Cebu Pacific na may biyahe papuntang General Santos City, Naga at Cagayan de Oro.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.