Libreng sakay alok ng QC, AFP sa mga pasahero sa Commonwealth Avenue

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 07:54 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Alok ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at Armed Forces of the Philippines ang libreng sakay para sa mga nag-aabang na mga pasahero sa Commonwealth Avenue ngayong Miyerkoles.

Mas madali na para sa ilang mga pasahero ang biyahe dahil sa mga alok na sakay kumpara noong unang dalawang araw ng general community quarantine ngunit may ilan pa ring nahihirapan.

Ang libreng sakay ay hanggang MRT lang kaya lilipat pa ng tren ang mga papuntang Ortigas o Makati.

--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.