Tindero ng isda na nakulong dahil walang quarantine pass, balik-trabaho na

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 08:18 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Balik trabaho na ngayong Martes ang isang tindero sa Navotas matapos makulong ng 11 araw dahil walang quarantine pass.

Nakulong noong Mayo 7 si Dodong Jimeda matapos masita ng mga pulis dahil walang quarantine pass para makatawid mula sa kanyang bahay sa Caloocan papunta ng Navotas Fish Port kung saan kukuha sana siya ng paninda.

Aabot na sa 30 taon na nagtatrabaho bilang isang construction worker at dahil nga matanda na at hindi na kaya ang ganoong klase ng trabaho ay pinili na lamang magtinda ng isda para mabuhay ang kanyang asawa at anak.

Tumulak muli papunta ng Navotas fish port si Jimeda pero hindi na siya hinarang ng mga guard dahil binigyan na siya ng temporary permit ng kanyang supplier.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.