Parañaque mayor pabor sa mas maluwag na general quarantine

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 09:14 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Pabor si Parañaque Mayor Edwin Olivarez na magkaroon ng mas maluwag na general community quarantine o GCQ sa kaniyang lungsod.

Nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine ang Metro Manila. Magpupulong ngayong Martes ang 17 mayor sa rehiyon tungkol sa pagrerekomenda ng GCQ, ani Oliverez, chairman ng Metro Manila Council.

"Iyong akin pong stand sa Parañaque... mag-GCQ na po tayo, pero kailangan po iyong ating health concerns hindi po pabayaan," aniya sa panayam ng TeleRadyo.

Ibabatay sa "siyensya" ang paglalagay sa Metro Manila sa GCQ, ani Presidential Spokesman Harry Roque.