Ilang OFWs, masayang makauwi na sa probinsya matapos ang ilang buwang quarantine

ABS-CBN News

Posted at May 26 2020 08:33 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mahaba man ang pila, masaya ang ilang mga overseas Filipino workers sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 para sa kanilang pagbabalik sa probinsya ngayong Martes ng umaga.

Maaga silang hinatid sa airport at pumila nang maayos para sa security check at bitbit na ang kanilang mga maleta at bag.

Ilan lang sila sa libo-libong OFWs na nagnegatibo sa COVID test kaya binigyan na ng clearance para makauwi ng probinsya sa mga special flights ngayong araw.

--Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.