70-porsyento ng taas-matrikula, dapat mapunta sa mga guro: DepEd

ABS-CBN News

Posted at May 24 2018 09:39 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Ipinaalala ng Department of Education ngayong Huwebes na dapat mapunta sa mga suweldo ng guro ang 70-porsyento ng pagtataas sa matrikula ng mga pribadong paaralan.

Pinayagan ng DepEd kamakailan ang 170 private schools sa Metro Manila na magtaas ng matrikula sa school year 2018-2019. 

Layon ng naturang hakbang na gawing "competitive" ang sahod ng private school teachers kasunod ng pag-akyat kamakailan ng suweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan, sabi ni DepEd Undersecretary Tonisito Umali sa DZMM. 

Binanggit din ni Umali na 20 porsyento ng taas-matrikula ay dapat ilaan sa pagpapaganda ng school facilities habang 10 porsyento ang pinapayagang mapunta sa kita ng paaralan. 

Nakatakda rin aniyang aprubahan ng DepEd sa mga susunod na linggo ang tuition hike application ng iba pang private schools sa mga lalawigan. 
 
DZMM, 24 Mayo 2018 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.