PANOORIN: Tindahan, nabiktima ng ‘palit-pera’ modus

ABS-CBN News

Posted at May 12 2017 11:18 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nabiktima ng modus operandi na ‘palit-pera’ ang ilang tindahan sa Baguio City.

Nabuking sa CCTV ang istilo ng suspek.

Kwento ng may-ari ng isang tindahan, may lalaking bumili ng isang kaha ng sigarilyo at P1,000 ang ibinayad.
 
Bago pa makahanap ng panukli ang anak ng may-ari, sinabi ng lalaki na may P100 siya kaya binawi nito ang unang ibinigay na pera.
 
Pero bigla raw umalma ang lalaki at sinabing P100 lang ang iniabot ng tindera sa kanya. Yun pala, mabilis na naitago ng lalaki sa bag ang P1,000.

Nambiktima rin ang suspek sa isang restaurant sa La Trinidad, Benguet.

Ayon sa post sa social media, dumiretso pa sa katabing tindahan ang suspek para makapanloko rin.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng lalaking nakunan ng CCTV. - Umagang Kay Ganda, 12 May 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.