Ilang biyahe ng bus para sa Semana Santa, fully booked na

ABS-CBN News

Posted at Apr 14 2019 01:35 PM | Updated as of Apr 14 2019 05:57 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

MANILA -- Fully booked na ang ilang biyahe ng bus patungong probinsya ngayong Linggo ng Palaspas o simula ng Semana Santa.

Sa Victory Liner sa Cubao, Quezon City, sa Abril 19 na may bakante sa mga bus na biyaheng pa-Baguio at Zambales.

Mayroon pa namang mga bakanteng upuan para sa mga biyaherong papunta ng Pangasinan.

Puno naman hanggang sa Miyerkules Santo ang mga bus pa-Bicol, Batangas, Quezon at Visayas mula sa terminal ng DLTB sa Pasay.

Inaasahang magdadagdag pa ang bus line ng mga biyahe para sa mga walk-in passenger, ayon sa operations manager.

Samantala, fully booked na rin sa Araneta Center Bus Terminal ang karamihan sa mga bus na biyaheng Bicol, Samar at Panay Island hanggang Abril 18, habang may mga bakante pa sa mga biyaheng Bohol at Tacloban.

Kapansin-pansing kaunti pa lang ang mga pasaherong tumutungo sa mga bus terminal pauwi ng probinsya, pero inaasahang dadami pa ito simula Lunes.

Mahigpit naman ang ginagawang pag-iinspeksyon ng nga otoridad sa mga bagahe para matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.

--Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.