Kadiwa Market binuksan sa QC, 7 'mobile palengke' umarangkada

ABS-CBN News

Posted at Mar 26 2020 10:20 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Umarangkada ang 7 "mobile palengke" at binuksan ang Kadiwa Market sa Department of Agriculture Training Institute sa Quezon City nitong Huwebes ng umaga.

Tampok ang iba’t bang klase ng gulay at isda na binebenta sa murang halaga, tulad ng kamatis na may halagang P35 kada kilo, sibuyas na P70-75 kada kilo, bangus na P175 kada kilo, tilapia na P125 kada kila at iba pa.

Nais ng proyekto na matulungan ang mga magsasaka upang hindi masayang ang ani nila, ayon kay Agriculture Secretary William Dar.

https://news.abs-cbn.com/business/03/04/20/da-says-helping-benguet-farmers-amid-oversupply

Dahil nakasailalim sa enhanced community quarantine ang Luzon, kinukuhaan ng temperatura ang mga mamimili at inoobserbahan ang physical distancing.

Iikot ang Kadiwa on Wheels sa Metro Manila samantalang bukas ang Kadiwa Market tuwing Huwebes at Biyernes mula alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

--Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News