Tama ba 'yan? Jeepney, nahuling nag-beating the red light

ABS-CBN News

Posted at Mar 16 2018 12:39 PM | Updated as of Mar 16 2018 12:58 PM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isang pampasaherong jeepney ang nakuhanan ng video na nagtuloy-tuloy sa pagmamaneho habang naka-red light ang lane niya.

Nakuhanan ng video ng concerned citizen na si "Raymond" ang insidente sa intersection ng Kamias corner Maliksi Street sa Quezon City.

Ipinakita ang video sa bagong segment ng Sakto! sa DZMM na tinawag na "Tama ba 'yan?", Biyernes ng umaga.

Naka-go ang traffic light kung saan binabaybay ni Raymond ang intersection nang biglang humarurot sa kaniyang harapan ang jeepney. 
 
Ang lane kung saan galing ang jeepney ay kasalukuyang naka-red light.

Mabuti na lamang at walang naaksidente sa maling ginawa ng pasaway na jeepney driver. DZMM, 16 March 2018

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.