'Sobrang nanginginig sa trauma': Mga residente, ikinuwento pagbagsak ng PNP chopper

ABS-CBN News

Posted at Mar 06 2020 10:06 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Dama pa rin ang takot ng ilang mga residente mula sa pinagbagsakan ng helicopter na sakay si Philippine National Police chief Archie Gambao sa San Pedro, Laguna nitong Huwebes.

Kuwento ni Mylene Joplo, isa sa mga nakasaksi sa insidente, nagtakbuhan sila nang makitang nag-spark ang live wire na tinamaan ng bahagi ng chopper.

"Umakyat na chopper tapos kinain na 'yung kable ng kuryente, pumunta kami sa laundry shop para magtago, kasama nanay may bitbit pang alaga. Sobrang nanginginig dahil sa trauma," aniya.

Ang kaniyang pinsang si Nika naman ay nasa eskuwelahan nang bumagsak ang chopper kaya todo ang pag-aalala sa kaniyang nanay at mga kaanak na naiwan sa bahay.

"Kinuwento lang sa 'kin ng pinsan ko, ayun nga may bumagsak daw. Natakot para sa mama ko. Nagdasal na lang ako," aniya.

—Umagang Kay Ganda, Biyernes, 06 Marso, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.