P6-milyon party drugs nasamsam sa condo sa QC

ABS-CBN News

Posted at Mar 04 2019 11:22 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nasamsam ang nasa P6 milyon na halaga ng hinihinalang party drugs sa isang condominium sa Xavierville Subdivision sa Loyola Heights, Quezon City ngayong Lunes. 

Nakuha ang bawal na gamot mula sa babaeng target ng joint operation ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency, ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, hepe ng Metro Manila police. 

Abangan ang mga karagdagang detalye sa update. 

Ulat ni Raya Capulong, ABS-CBN News 

DZMM, 4 Marso 2019 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.