Mga dadalo sa People Power Revolution Commemoration, mas kaunti bunsod ng COVID-19

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 07:43 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mas kakaunti ang mga dadalo sa paggunita ng unang EDSA People Power Revolution bunsod ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa mga grupo.

Inaasahan pa rin ng mga grupong National Historical Commission of the Philippines at EDSA People Power Commission na mananatili pa rin ang buhay at diwa ng EDSA kahit sa mas kaunti ang dadalo. 

Inihahanda ngayon ang isang simpleng flag raising at wreath laying ceremony mamayang alas-8 ng umaga na pangungunahan ni Commissioner Joey Concepcion. 

May tema ang selebrasyon ngayon na EDSA 2020: Kapayapaan ng Bayan, Simbolo ng Kalayaang Ipinaglaban.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 25 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.