Kagawad binaril sa sariling bahay sa QC

ABS-CBN News

Posted at Feb 25 2020 07:42 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Patay sa pamamaril ang isang barangay kagawad ng ‘di pa nakikilalang mga suspek sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Noemi Balderama-Agcaoili, 55 anyos. 

Dalawang lalaki ang napansing nakasunod sa kanya hanggang makarating sa bahay nito. 

—Umagang Kay Ganda, Martes, 25 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.