Mahigit 10,000 taklobo nakumpiska sa Palawan

ABS-CBN News

Posted at Feb 20 2020 07:41 AM | Updated as of Feb 20 2020 07:52 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Mahigit 10,000 taklobo ang nakumpiska matapos mapag-alamang ginagamit ito bilang pangkabuhayan sa Bataraza, Palawan.

Ayon sa Provincial Environment and Natural Resources Office, iniimbestigahan na nila ang nakuhang impormasyong ilang mga residenteng ang nagbebenta umano ng nasabing hayop sa halagang P200 hanggang P500 kada kilo.

Itinuturing na endangered o malapit nang maubos ang taklobo kaya bawal magbenta ng mga ito.

Kasong paglabas sa Fisheries Code of the Philippines and Wildlife Act ang haharapin ng mga naaresto.

—Umagang Kay Ganda, Huwebes, 20 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.