Presyo ng bulaklak sa Dangwa, nagtaas na sa paglapit ng Valentine's Day

ABS-CBN News

Posted at Feb 12 2020 07:29 AM | Updated as of Feb 12 2020 07:31 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Nagtaas na ang presyo ng mga bulaklak sa Dangwa kasabay ng pagsapit ng Araw ng mga Puso.

Katulad na lamang ng isang bouquet ng assorted flowers na nagtaas na sa P400 mula sa P250 at ang iba na P400 na nagtaas na sa P600.

Sa kabila nito, inaasahan pa rin ang pagdagsa ng mga mamimili sa Dangwa. 

Payo rin ng mga nagtitinda na tataas pa ang presyo ng mga bulaklak pagsapit ng Biyernes. 
 
—Umagang Kay Ganda, Miyerkoles, 12 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.