Taiwan, kabilang sa travel ban sa banta ng 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 07:48 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Isinama na rin ng Department of Health at Bureau of Immigration ang Taiwan sa mga bansang nasa ilalim ng travel ban para matiyak ang kaligtasan sa kabila ng banta ng novel coronavirus o 2019-nCoV.

Magmula ngayong Martes, kanselado na ang lahat ng mga Cebu Pacific flights papunta at pabalik ng Taiwan at Maynila.

May mga travel restriction o pinagbabawal ang pamahalaan katulad ng pagpunta ng mga Filipino nationals sa Taiwan kabilang ang Cebu Pacific flight at mga cabin crew.

Hindi rin makapapasok sa bansa ang mga foreign nationals mula Taiwan maliban sa mga may hawak ng permanent resident visa na nagmula sa Taiwan o nanatili doon ng 14 na araw bago lumapag sa Pilipinas.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 11 Pebrero, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.