8 ‘patients under investigation’ sa Negros Oriental, negatibo sa 2019-nCoV

ABS-CBN News

Posted at Feb 11 2020 07:58 AM

Watch also in iWant or TFC.tv

Walong patients under investigation o PUI sa Negros Oriental ang nagnegatibo sa novel coronavirus, batay sa resulta ng kanilang swab test mula sa Research Institute for Tropical Medicine.

Sa ngayon, hindi muna sila pinayagang makalabas sa confinement facility habang hinihintay pa ang resulta ng kanilang confirmatory test. Kabilang sila sa mga nakasalamuha ng 2 turistang nagpositibo sa naturang virus.

Ilan ding mga PUI ang nagnegatibo na sa 2019-nCoV katulad na lamang ang kakalabas lang na sanggol sa Palawan.

Nagnegatibo na rin sa naturang virus ang 6 katao sa Cordillera at La Union kabilang na rito ang 3 Chinese national na galing sa Shanghai, China at nakauwi na sila sa kanilang mga magulang.

—Umagang Kay Ganda, Martes, 11 Pebrero, 2020

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.